LIBANGAN | Pangulong Duterte, inaming nanonood sa ‘Netflix’

Manila, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginagawa niyang pampalipas ng oras ang panonood sa streaming media na Netflix.

Ayon kay Duterte, dalawang crime shows ang kanyang pinapanood sa Netflix.

Ito ay ang ‘Amo’ na directed ni Brillante Mendoza, isang Pinoy-made TV action series kung saan tampok ang ‘War On Drugs’ ng gobyerno.


Ang ikalawa naman ay ang ‘Dope’, isang foreign produced documentary series kung saan sinisiyasat ang mga drug cartels sa Estados Unidos at Mexico.

Binanggit ng Pangulo ang ilan sa mga eksena ng kanyang pinapanood kung saan pinapayagan ng mga pulis ang street-level drug users na makapag-operate dahil nakatuon lamang ito sa mga big drug traders.

Iginiit ng Pangulo na hindi niya hahayaang mangyari ang ganitong sitwasyon sa Pilipinas.

Facebook Comments