Nagsimula sa simpleng libangan hanggang sa naging matagumpay na kabuhayan ang pagtatanim at pag-aalaga ng hayop para sa ilang kabataang magsasaka sa bayan ng San Fabian.
Sa kanilang bakuran, sinimulan ng mga kabataang ito ang pagtatanim ng kabute at pag-aalaga ng mga hayop gaya ng baboy, kambing, pato, at pugo. Mula sa isang subok lamang na pansarili ay dahan-dahang lumago at naging pangunahing pinagkukunan ng pagkain at dagdag na kita ng kanilang mga pamilya.
Dahil sa matagumpay na kwento ng mga kabataang ito mula pa taong 2022, muling ilulunsad ng Municipal Agriculture Office ng San Fabian ang Young Farmers Challenge Program para sa taong 2025–2026. Layunin ng programa na mahikayat ang mas maraming kabataan na pasukin ang larangan ng makabagong agrikultura at paunlarin ang sariling kabuhayan.
Ang programa ay suportado ng Department of Agriculture kung saan layon na magbigay ng puhunan, pagsasanay, at tulong sa mga kabataang nais magsimula sa agri-entrepreneurship.
Pinatutunayan ng mga young farmers ng San Fabian na sa sipag, tiyaga, at tamang kaalaman, posible ang pag-unlad sa agrikultura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









