Libel case laban kay RMN-DXBC Butuan Station Manager Radyoman Ramil Bangues, isang media harassment

133

Suportado ng Radio Mindanao Networks ang laban ni RMN-DXBC Butuan Station Manager Radyoman Ramil Bangues kaugnay sa kasong cyber libel na isinampa sa kanya ni Surigao City Police Chief Lt. Col. Christian Rafols.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Radyoman Bangues na isang media harassment ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya lalo na’t naging sentro si Rafols ng kaniyang mga komentaryo patungkol sa war on drugs ng PNP noong siya pa ay dating PIO ng Regional Police Office 13.


Nagtataka si Bangues kung bakit siya kinasuhan ng libel ni Rafols, lalo na’t wala naman siyang personal na galit dito at ang tanging ibinalita lang nito ay ang nangyaring buy-bust operation ng PDEA sa isang doktor kung saan naging costumer ang nasabing pulis.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Radyoman Bangues na haharapin nito ang kasong isinampa laban sa kanya.

Facebook Comments