Didinggin ngayon araw ng Davao Regional Trial Court ang mosyon ng DOJ na humihiling na pigilan si Senador Antonio Trillanes na makalabas ng bansa.
Kaugnay ito ng kasong libelo na nakasampa laban kay Trillanes sa Davao Regional Trial Court.
Nilinaw naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang mosyon nila na humihiling ng Hold Departure Order (HDO) laban kay Trillanes ay walang kaugnayan sa pasya ng Makati Regional Trial Court na pumapayag na makabiyahe sa Europe sa December 11 si Trillanes.
Standard operating procedure anya para sa prosekusyon na hilingin sa korte na pigilan ang kanilang isinasakdal na maka-alis sa bansa para sa mas mabilis na pag-usad ng kaso.
Bukod sa pagdinig sa Davao Regional Trial Court sa mosyon ng DOJ, diringin din ng Makati Regional Trial Court Branch 150 ngayong araw ang apila ng DOJ na bawiin ang unang pagpayag ng korte na makabiyahe abroad si Trillanes dahil sa pagiging flight risk nito, bukod pa sa kanyang mga pending na kaso sa ilang korte sa bansa.