LIBEL CASE | Trillanes, inaasahang maglalagak ng piyansa ngayong araw

Manila, Philippines – Inaasahang maglalagak ng piyansa si Senador Antonio Trillanes IV ngayong araw, December 10.

Kaugnay ito sa apat na bilang ng kasong libel na isinampa ni Presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa Davao City Regional Trial Court Branch 54.

Ayon sa abogado ni Trillanes na si Atty. Pacifico Agabin, dating dean ng U.P. College of Law – may immunity sa pag-aresto si Trillanes dahil malinaw na nakasaad sa 1987 Constitution na hindi maaring arestuhin ang isang mambabatas hangga’t may sesyon ang Kongreso.


Nilinaw din ni Agabin na tanging sa nakabinbing kaso sa Korte Suprema siya nagsisilbing counsel ni Trillanes at hindi sa kasong libel na isinampa ni Pulong.

Aabot sa ₱24,000 ang piyansa sa bawat libel case na kinakaharap ni Trillanes.

Facebook Comments