Manila, Philippines – Sinampahan ng kasong libel ni dating Customs Commissioner at ngayon ay TESDA Director Isidro Lapena si dating Customs x-ray Inspection Project Chief Ma. Lourdes Mangaoang sa Taguig RTC, Hall of Justice.
Ayon kay Lapeña, labis na paninira ang ginawa ni Mangaoang sa kanya nang maglabas ito ng pahayag at panayam sa media.
Paliwanag ni Lapeña, hindi niya sisirain ang kaniyang pangalan para lamang pagtakpan ang mga nais magpuslit ng droga papasok ng bansa, kagaya ng ibinibintang sakaniya.
Paniwala ng opisyal, ang mga isyung pilit na ibinabato sa kaniya, ay walang basehan at walang matibay na ebidensya na makakapagdiin sa kanya.
Hamon nya kay Mangaoang, sagutin na lamang ang kanyang kaso sa Korte na tamang forum para laman kung sino ang nagsasabi ng totoo.
Una naman nang sinabi ni Mangaoang, na tinagurian ding whistleblower, hindi siya kasapi ng anumang sindikato na umano ay tumatrabaho laban kay Lapeña.
Kanya ring iginiit na may laman na iligal na droga ang apat na magnetic lifters na natuklasan sa GMA, Cavite na sinasabing nagkakahalaga ng P11 Billion.