Liberal Party Bet Presidential Mar Roxas, Nangibabaw Sa Huling Presidential Debate

9

MANILA – Naniniwala si Philippine Daily Inquirer Online Editor John Nery na lumitaw sa huling presidential debate ang pagkakaiba sa pananalita at pangangatwiran nina Liberal Party Presidential Candidate Mar Roxas at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.Aniya, pabor kay Roxas ang bagong format na ginawa noong linggo kung saan seryosong usapan sa mga isyu ang naging tampok at hindi ang mga personalidad.Iginiit niya na walang duda na detalyado at mahusay ang pagkaka-saliksik ng mga tugon ni Roxas.Kabaligtaran naman ito ni Duterte na sa unang pagkakataon ay seryoso ding sumagot sa mga tanong.Sinabi niya na kahit may mga survey, lumalabas na hindi ito masyadong nakaka-impluwensya sa opinyon ng publiko.

Facebook Comments