Liberal Party, Hindi Nababahala Sa Pagkakabasura Ng Disqualification Case Ni Senadora Grace Poe

1

MANILA – Hindi nababahala ang Liberal Party sa kabila ng pagpabor ng Korte Suprema sa kandidatura ni Senadora Grace Poe.Una nang sinabi ni Daang Matuwid Coalition Spokesman Rep. Barry Guttierez na igagalang nila anuman ang desisyon ng korte sa disqualification cases ng senadora.Aniya, mas importanteng magsilbing huwes ang mga botante dahil sila ang magpapasa ng desisyon kung sino ang kwalipikadong maging pangulo.Dapat maging basehan ng mga botante ang karanasan, kakayahan, dedikasyon ng bawat kandidato.Sinabi niyang para sa kanila ay si Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas ang higit na may karapatang maging pangulo dahil bukod sa pinag-aralan ay malawak ang karanasan nito sa pagiging kongresista ng tatlong termino, senador at pagiging miyembro ng gabinete ng tatlong pangulo.

Facebook Comments