Liberal Party, iginiit ang pagiging tunay na oposisyon

Iginiit ng Liberal Party (LP) na ito pa rin ang ideolohikal, matapat at tunay na opoisyon sa kasalukuyan o nakaraan mang administrasyon.

Pahayag ito ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman na siya ring tumatayong pangulo ng LP makaraang sabihin ni dating presidential spokesperson Harry Roque na si Vice president Sara Duterte na ngayon ang bagong lider ng oposisyon.

Diin ni Lagman, ang maaari lamang pamunuan ni VP Sara ay ang partisan opposition laban sa Marcos Jr. administration.


Ayon kay Lagman, patuloy pa ring itinataguyod ng LP ang prinsipyo nito para sa mahusay na pamamahala, demokrasya, pagsunod sa Konstitusyon, proteksyon sa karapatang pantao, at paglaban sa authoritarian rule.

Sabi ni Lagman, ang nabanggit na mga katangian ng LP ay hindi taglay o wala sa track record ng mga leaders ng Uniteam na ngayon ay nabuwag na.

Facebook Comments