Liberal Party, Ipinagdadasal Ang Pagbuti Ng Kalusugan Ni Senadora Miriam Defensor-Santiago

1

MANILA – Nagpahayag ng pakikiisa at pag-asa si Liberal Party Presidential Bet Mar Roxas sa pagbuti ng kalusugan ng kanyang katunggali na si Senadora Miriam Defensor-Santiago.Ito ay matapos sabihin ni Santiago na hindi ito makakadalo sa 2ndPresidential Debate na gaganapin bukas sa University of the Philippines-Cebu.Una nang inamin ng senadora na maysakit siya na kanser na nasa stage 4 pero gumaling na usiya kaya nakapaghain ng Certificate of Candidacy sa pagka-pangulo.Ayon kay Daang Matuwid Coalition Spokesman Barry Guttierez, hangad ng partido na agad na gumaling si Santiagodahil ang kanyang paglahok sa debate ay nagpapataas ng antas nito.Idinagdag ni Guttierez na nananalangin ang Liberal Party na gumaling nang mabilisan si Santiago para makadalo sa susunod na debate na nakatakda sa Abril 24.

Facebook Comments