MANILA – Itinanggi nina Sen. Leila De Lima at Francis Pangilinan ang balitang plano ng Liberal Party na patalsikin sa pwesto si Pangulong Duterte.Sinabi ni De Lima na naglabas lamang ng saloobin ang ilang mambabatas ng L-P sa ibat-ibang isyu.Nilinaw ng Senadora, na wala silang lihim na political agenda.Giit pa ni Pangilinan, na wala silang sapat na bilang para maipatupad ang umanoy “plan b” na layong patalsikin ang pangulo.Samantala, walang balak si Pangulong Duterte na patulan ang patutsada ng ilang mambabatas kaugnay ng pagkamatay ni Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.Iginiit naman ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo – na walang kasong impeachment ang maaring kaharapin ng pangulo gaya ng pinalulutang ni De Lima.Ipinagtanggol din ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre si Pangulong Duterte at sinabing likas na sa personalidad ng pangulo ang magsalita ng sobra o exaggeration.
Liberal Party, Itinanggi Ang Planong Impeachment Sa Pangulo
Facebook Comments