Liberal Party, Mainit Na Sinalubong Ng Mga Supporters Sa Negros

25

NEGROS ORIENTAL – Umabot sa mahigit 25, 000 Negrense ang nagpakita ng suporta sa tambalang Liberal Party Presidential Bet Mar Roxas at VP Bet Leni Robredo.Matatandaang noong DILG Secretary pa si Roxas ay nagpatupad ito ng mas mabilis na pagbibigay-ayuda sa isang rehiyon sa Negros Occidental at Oriental.Sinalubong ng mga taga-Kabankalan City ang mga kandidato ng Liberal Party na nag-ikot sa mga barangay bago tumulak papuntang La Carlota.Muling pinasalamatan ni Roxas ang mga sumusuporta sa Daang Matuwid at sa kanila ni Robredo, partikular na ang mga miyembro ng tinatawag na silent majority.Dinalaw din ni Roxas ang Cadiz City at Bacolod City kung saan mas maraming mamamayan ang nabiyayaan ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Facebook Comments