Liberal Party Senator Francis Pangilinan, pumalag sa pahayag ni Senate President Koko Pimentel na malaki ang tyansang umusad ang impeachment case laban kay Vice President Leni Robredo

Pinalagan ni Liberal Party Interim President at Senator Kiko Pangilinan ang pahayag ni Senate President Koko Pimentel na may malaking tyansa ang impeachment case laban kay vice President Leni Robredo.

 

Una rito, sinabi ni Pimentel na posibleng umusad ang kaso laban sa Bise Presidente dahil kayang makabuo ng bilang si Speaker Pantaleon Alvarez na susuporta sa sinasabi nitong planong impeachment kay Robredo.

 

Pero, sinabi ni Pangilinan na hindi lang dapat nakabase sa bilang ng kaalyado ang konsiderasyon sa mga ganitong isyu at sa halip ay tingnan ang basehan at bigat ng anumang reklamo.

 

 

Giit pa nito, mas mainam na iwasan ng mga opisyal ng Senado na magsalita ukol sa impeachment, dahil aakto ang mga ito bilang senator judges kapag nakalusot ang reklamo sa Lower House.

Facebook Comments