Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas, Tampok Sa Social Media Noong 2Nd Presidential Debate

5

MANILA – Nanguna si Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas sa mga usap-usapan sa Facebook sa ginanap na 2ndPresidential Debate sa Cebu City noong March 20.Ayon sa Facebook Insights, nanguna si Roxas sa mga topic, kasama na ang mga isyung may kinalaman sa kanya.May 49 percent ng tinatawag na “unique users” ang nagkaroon ng interaksyon tungkol kay Roxas.Sinundan siya ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may 46 percent na pagbanggit, kasunod si Sen. Grace Poe na pinag-usapan ng may 34 percent at si Vice-President Jejomar Binay na may 25 percent “unique users interactions”.Pinakamalaki ang interaksyon ng mga gumagamit ng Facebook sa mga usapin ng pagiging tapat sa tungkulin at korapsyon.1.3 milyong mga myembro ng Facebook ang lumahok sa mga usapan na nagtala ng 2.6 milyong interaksyon.

Facebook Comments