MANILA – Pinalagan nina Liberal Party senators Franklin Drilon at Leila De Lima ang pahayag ng ilan nilang kasamahan na makabubuting kumalas na sila sa majority bloc.Ito ay makaraang bomoto sila kontra sa sentemyento ng majority bloc, katulad sa isyu ng pagbawi ng pagbawi ng referral sa committee ni Senator Antonio Sonny Trillanes IV ng imbestigasyon sa Bureau of Immigration bribery scandal.Ayon kay Drilon, labag sa democratic rules kung pipigilan ang mga taga LP sa bloc voting sa mga isyung tinatalakay sa senadoGiit naman ni Sen. De Lima, nakakainsulto ang nabanggit na pahayag at bilang respeto nila sa isat isa ay hindi tamang turuan sila ng kanilang gagawin.Ayon kay De Lima – walang karapatan ang kanilang kapwa senador na sila ay diktihan.Sa kabila nito, binigyan diin ni Senate President Koko Pimentel na buo at solido ang senate majority bloc.Ayon kay Pimentel – nauunawaan niya kung magkakaiba ng pananaw ang mga senador ukol sa trabaho ng komite.Ang sunurang tinig nina Senate President Koko Pimentel at Sen. Leila De Lima.
Liberal Senators – Pumalag Sa Panawagan Ng Mga Kapwa Senador Na Kumalas Na Sa Majority Bloc. Pangulo Ng Senado – Iginii
Facebook Comments