Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang local government units (LGUs) na maging ‘liberal’ sa pagbabakuna ng kanilang mga kababayan lalo na at may steady supply na ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na may ilang LGUs na pinapayagan ang kanilang non-residents na magpabakuna.
Ang mga magpapabakuna ay kailangang magpakita ng valid IDs at iba pang requirements para patunayang sila ay maaari nang maturukan ng bakuna.
Pero nasa LGUs pa rin kung ipapatupad ang ganitong polisiya, lalo na kung mayroong problema sa paghihikayat ng kanilang mga residente na magpabakuna.
Dapat ihanda rin ng mga LGUs kung paanopa pabibilisin ang vaccine rollout.
Facebook Comments