Liberian Oil Tanker sakay ang ilang Filipino Crew, hinaras ng Chinese Vessel malapit sa Scarborough Shoal

Isang Greek-Owned Oil Tanker na sakay ang ilang Pinoy ang hinaras ng Chinese Vessel malapit sa Scarborough Shoal.

Ayon sa kapitan ng Green Aura na si Manolo Ebora, nagpakilalang “Naval Warship” ang Chinese Vessel.

Inutusan umano sila ng isang Chinese Crew na magbago ng ruta para maiwasang dumaan sa Scarborough.


Tila nagtangka pa raw ang Chinese Vessel na harangin sila matapos na dumaan sa kanilang tapat.

Dagdag pa ni Ebora, aabot sa limang barko ng China ang na-detect ng kanilang Electronic Chart Display and Information System (ECDIS).

Apat rito ay rehistrado bilang China Maritime Police habang hindi matukoy ang isa na posibleng nakapatay ang Automatic Identification System (AIS).

Habang wala silang nakita na kahit isang barko ng Pilipinas sa lugar.

Nai-report na raw nila ang insidente sa Philippine Navy.

Facebook Comments