Libing at cremation sa Manila North Cemetery, papayagan na muli bukas

Papayagan na muli ang paglilibing at cremation sa Manila North Cemetery (MNC) simula bukas.

Ayon kay Manila North Cemetery Director Yayay Casteñeda, bukas na ang kanilang opisina sa pagtanggap ng mga aplikasyon.

Nasa ₱5000 ang renta ng mga dating nitso sa MNC na may limang taong, habang ₱12,500 naman sa mga bago nang nitso


Kabilang na dito sa package ang taga libing, lapida, taga pintura at permits.

Matapos ang limang taong kontrata sakaling hindi pa ma pull out ng pamilya ang buto, binibigyan sila ng 15 days grace period para magawa ito.

Facebook Comments