Libing ng mga namatay na Parojinog sa isinagawang raid sa Ozamiz, iniurong sa Miyerkules

78

Ozamiz City – Inurong sa Miyerkules ng pamilya Parojinog ang libing sana sa Lunes ng mga namatay na kaanak sa raid ng pulisya noong Hulyo 30.

Ito ay dahil dadaanan muna sa autopsy ang mga labi nina dating Ozamiz City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr., asawang si Susan at mga kapatid na sina Octavio at Mona na isasagawa ng isang pribadong ahensiya na hindi muna pinangalanan ng pamilya.

Isang misa naman ang idaraos sa Immaculate Conception Cathedral bago ilibing ang mga namatay na miyembro ng pamilya Parojinog sa Mount Malindang Memorial Park sa Ozamiz City.

Matatandaang, nasawi ang dating alkalde at 15 pang iba matapos umanong manlaban habang inihahain ng mga operatiba ang anim na search warrant noong Hulyo 30, sa barangay San Roque Lawis, Ozamiz City.

Facebook Comments