Libing ni Reynaldo de Guzman, napagdesisyonan na ng pamilya

Manila, Philippines – May eksaktong araw na kung kailan ihahatid sa huling hantungan ang mga labi ni Reynaldo de Guzman.

Si Reynaldo ang 14-anyos na lalaki na natagpuan na patay at palutang-lutang sa creek sa Nueva Ecija noong Martes.

Lumalabas na 28 saksak ang tinamo ng bata naka-packaging ang ulo at amoy gasolina ang damit.


Ayon kay Eduardo, tatay ng biktima sa Martes ililibing si Reynaldo sa Pasig Public
Cemetery.
Pinoproblema din ng pamilya ang mga gastusin sa burol dahil wala silang sapat na pera.

Nabatid na sa tulong ng isang opisyal ng gobyerno mababayaran na nila ang funeral service ng kanilang anak.

Samantala, nais lumapit ng pamilya kay Pangulong Rodrigo Duterte para hilingin na agad mahuli ang pumatay sa 14-anyos nilang anak.

Facebook Comments