Sa Libingan ng mga Bayani, alas-6:00 ng umaga binuksan sa mga dadalaw ang main gate at magtatagal ito hanggang alas-8:00 ng gabi.
Ito ay gagawin hanggang Nobyembre 2.
Pero sa regular visiting hours ay alas-6:00 ng umaga at alas-6:00 ng gabi ang kanilang schedule.
Mahigpit ang seguridad na ipinatutupad dito dahil sa gate pa lamang ay may presensya na ng mga sundalo at mga pulis at lahat ng papasok ay binibigyan ng leaflet.
Nakasaad sa leaflet ay ang mga ipinagbabawal sa loob ng Libingan ng mga Bayani.
Ito ay pagbabawal sa pagbitbit ng mga alagang hayop, bawal ang jogging, pagkakalat, pagsusugal paggamit ng iligal na droga, mag-ingay at masamang pag-uugali.
Maging ang pagbibitbit ng deadly weapons o explosives.
Bawal din ang pagpasok sa mga restricted area at bawal ang hindi pakikipag-cooperate sa mga security procedure.
Bawal din ang mga toxic o flammable materials, pagpitas ng mga bulaklak o anumang tanim at bungang kahoy.
Bawal din ang pagbitbit ng plants o ornaments, pictures frames at iba pa maliban sa cross.
Batay sa Armed Forces of the Philippines regulation G161- 373, ang pwede lamang ilibing sa Libingan ng mga Bayani ay ang mga sumusunod:
• Medal of Valor awardees
• Presidents or Commanders-in-Chief, AFP
• Vice Presidents of the Philippines
• The secretaries of National Defense
• AFP Chiefs of Staff
• General/Flag Officers
• Active and retired military personnel of the AFP
• Justices of the Supreme Court (Chief or Associate Justice) at iba pang matataas na opisyales ng gobyerno