Libo katao apektado ng tension sa DSA

Libong pamilya mula sa apat na Baranggay ng Datu Saudi Ampatuan Maguindanao ang apektado sa nagpapatuloy na tensyon sa bayan.
Sinasabing pansamatalang lumikas ang mga residenteng nagmula sa Baranggay Madia, Dapiawan, Gawang at Elian, kasalukuyang naninirahan sa kanilang mga kaanak sa kalapit barangay ang mga bakwit ayon pa sa naging panayam kay DSA Admin Officer Akmad Dona.
Kaugnay nito, problemado ngayon ang LGU DSA kung saan kukuha para sa ayudang ipagkakaklob sa mga kababayang lumikas . Sinasabing ubos na ang Disaster Fund ng LGU bunsod sa mga magkakasunod na kaguluhan simula noong desyembre hanggang janauary.
Umaasa parin ang DSA LGU na agad na mareresolba ang tensyon sa kanilang bayan, bukod sa pamumuhay na naapektuhan apektado rin ngayon ang pag-aaral ng mga mag aaral.
Matatandaang sumiklab ang gulo sa bayan matapos na pagbabarilin patay ang isang 1st Municipal Councilor noong nakaraang araw.
FB PIC

Facebook Comments