
Pangungunahan ngayong umaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng National Housing Expo sa World Trade Center.
Dito ay ilalabas sa publiko ang libo-libong housing units para sa mga Pilipinong naghahangad ng sariling bahay.
Ang expo ay bahagi ng “Pambansang Pabahay Para sa Pilipino” o 4PH Program ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), katuwang ang Pag-IBIG Fund, National Housing Authority (NHA), at iba pang ahensya ng gobyerno.
Sa aktibidad, magbibigay ang gobyerno ng on-site housing loan assistance, financing support, at iba pang tulong mula sa Pag-IBIG Fund para mas mapadali ang pagkuha ng bahay.
Malalaman din ng mga interesado kung magkano ang kaya nilang hiramin at alin sa mga available units ang pasok sa kanilang budget.
Kasama ng Pangulo sa nasabing okasyon sina DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, PCO Acting Secretary Dave Gomez, NHA General Manager Joeben Tai, at Pag-IBIG CEO Marilene Acosta.









