Batay sa ulat ng Cagayan Police Provincial Office, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa otoridad tungkol sa kanyang nadiskubreng mga abandonadong kahoy sa nabanggit na lugar na agad namang tinugunan ng kapulisan.
Pinangungunahan ni PLT Flaviano A Acebedo, DCOP kasama ang Cagayan Anti-Illegal Task Force at 17IB, 5ID, Philippine Army ang pagpunta at pagberipika sa natanggap na sumbong sa bayan ng Rizal.
Nang makarating sa lugar ang grupo ng mga otoridad, tumambad ang iba’t-ibang klase ng common hardwood.
Agad na nagsagawa ng pagsusukat ang mga tauhan ng PENRO sa pangunguna ni Engr. Nelson S Tumaliuan kung saan umabot sa libo-libong boardfeet ang mga naturang kahoy.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang mga nasamsam na tabla ng kahoy at isusumite rin sa DENR para sa tamang disposisyon.