Libo-libong empleyado ng Walt Disney Park sa Amerika, nakatakdang mawalan trabaho

270

Inanunsyo ng pamunuan ng Walt Disney Park sa Amerika na nakatakdang mawalan ng trabaho ang nasa 28,000 nilang empleyado.

Ito’y kasunod na rin ng patuloy na banta ng COVID-19 lalo na’t nalugi ng 4.7 bilyon dollars ang Disney mula ng magsimula ang problema sa virus.

Nasa 67% ng empleyado na karamihan ay part-time ang mawawalan ng trabaho kung saan ilan sa kanila ay mula pa sa iba’t ibang bansa partikular sa Asia.

Nabatid na hanggang ngayon ay sarado pa rin ang Disney Park sa California, habang nagbukas na ang iba pang parks nito na nasa Florida, Hong Kong, Shanghai, Tokyo at Paris pero hindi na katulad ng dati ang kinikita ng mga ito.

Facebook Comments