Inodenisia – Pinabalik na ng gobernador ng Bali, Indonesia ang mahigit 140,000 na taong pinalikas dahil sa pangambang pagsabog ng Mt. Agung.
Nagiging mahirap na kasi ang sitwasyon sa emergency shelters dahil aabot nasa 500 temporary shelters ang naset-up para sa 70,000 katao na nasa loob ng 12km danger zone.
Gayunpaman, iginiit ni Sutopo Purwo Nugroho, spokesman ng National Disaster Mitigation Agency, na dapat nang umuwi ang mga taong hindi kabilang sa 27 villages na dapat lumikas.
Binigyan naman ni Nugroho ng opsyon ang mga evacuees na umuwi ng kusa o magpatulong sa pamahalaan.
Samantala, hinihikayat naman ng opisyal ang mga turista na magtungo pa rin sa Bali dahil safe naman ang sitwasyon doon sa ngayon.
Sikat na tourist destination ang Bali kung saan aabot sa 5 milyong katao ang bumisita ngayon.