
Matatanggap na ng mga kooperatiba at mga transport sector mula sa iba’t ibang ruta sa Metro Manila ang modern jeepney o “Euro-4 “ mula sa Auto Parts and Vehicle o APV.
Ito’y kasunod ng isinagawang signing ceremony mula Hongkong, Japan Korea, at China sa World Trade Center sa Pasay ng Auto Parts & Vehicles Expo 2025.
Ayon sa CEO ng E- Future Motors mula South Korea na si Bong Kyun Shin, layon ng mga alok na modern jeepney ay makatulong sa mga tsuper na hirap kumuha at mag-loan sa bangko dahil sa mahal ng kanilang kinakailangan ihulog para makasali sa kooperatiba.
Bukod pa rito nais rin nilang makatulong sa kalikasan ng bansa dahil iba raw talaga ang usok o polusyon ng Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa.
Samantala, aminado naman ang ilang kooperatiba na maganda ang naturang programa na ito dahil hindi na nila kailangang maglabas pa ng malaking pera para muling makapagtrabaho.










