Libo-libong mga pasahero, tuloy ang dagsa pabalik ng Metro Manila matapos ang Undas; heightened alert sa mga pantalan, mananatili hanggang bukas

Mananatili sa heightened alert ang mga district, station, at sub-station ng Philippine Coast Guard (PCG) sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kaugnay pa rin ito ngayong panahon ng Undas kung saan libo-libong mga pasaherong nagsiuwian sa mga probinsya ang pabalik na ngayon sa Metro Manila.

Ngayong umaga, nasa 16,544 ang outbound passengers habang 13,603 ang inbound passengers na naitala ng PCG sa lahat ng pantalan sa bansa.


Nasa 4,199 naman ang mga frontline personnel na idineploy sa 16 PCG districts na tutulong habang naka-heightened alert ang mga pantalan dahil sa dagsa ng mga pasahero.

Kahapon ng hapon, pumalo sa mahigit 60,000 ang outbound passengers at 58,000 ang inbound passengers sa lahat ng pantalan sa bansa.

Facebook Comments