Libo-libong mga taga suporta nina presidentiable Ping Lacson at kaniyang running mate SP Tito Sotto, sasalubong sa kicks off campaign rally sa Cavite City

Handang-handa na sa salubong ang libo-libong mga taga suporta nina Partido Reporma standard-bearer Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson at kaniyang running mate Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa kanilang inaasahang proclamation rally bukas sa Imus Grandstand sa Imus City, Cavite.

Sina Lacson at Sotto ay tumatakbo bilang presidente at vice president sa 2022 National elections kung saan bukas, February 8 ay hudyat na ng simula ng official campaign period ng bawat kandidatong tatakbo sa National level sa darating na May 9 election.

Ang Cavite ay ang pangalawang lugar na may mataas ang mga botante sa bansa na umaabot sa mahigit 2.15 million registered voters na ikinokonsiderang balwarte ni Lacson kung saan doon siya isinilang at lumaki sa Imus City kung saan parehong sina Lacson at Sotto ang umaapaw ang suporta ng mga Cavitenyo noong nakaraang halalan na parehong tumakbo bilang senador.


Bago tutungo sa Imus Grandstand stage upang magbigay ng kanilang talumpati, magtutungo muna sina Lacson and Sotto sa Imus Cathedral para dumalo ng banal na misa.

Inaasahang dadalo sa proclamation rally nina Lacson-Sotto ang kanilang miyembro sa senatorial kabilang sina Partido Reporma retired police Gen. Guillermo Eleazar, public health advocate Dr. Minguita Padilla, at dating Makati Rep. Monsour del Rosario na tumatakbo sa ilalim ng Partido Reporma.

Inaasahang 4,000 mga tagasuporta nina Lacson-Sotto ang dadalo sa proclamation rally kabilang ang mga local government officials ng Cavite at kalapit probinsiya na nagpahayag ng kanilang suporta.

Ipatutupad ang public health and safety protocols sa naturang lugar gaya ng ocial distancing, pagsusuot ng face mask at rapid antigen testing alinsunod sa rekomendasyon ng mga otoridad dahil sa nagpapatuloy na pandemya.

Facebook Comments