Libo-libong naghahanap ng trabaho, natulungan ng CSC job portal

54

Trabaho sa gobyerno ba ang hanap niyo?

Ang mga indibiduwal na interesado ay maaaring maghanap ng bakenteng trabaho gamit ang Job Portal ng Civil Service Commission (CSC) na www.csc.gov.ph/career.


Ang mga job vacancies ay nakapaskil din sa CSC Field Offices.

Bukod sa position title at place of assignment, malalaman din sa job postings ang salary grade at monthly salary, qualification standards na kailangang maabot ng aplikante, mga dokumentong kailangang ipasa, at instructions kung paano mag-apply.

Mula nitong Setyembre, aabot na sa higit 7,000 positions ang bukas para sa applications ang nakapost sa CSC website.

Facebook Comments