Tiniyak ng pamahalaan na patuloy nilang tutulungan ang libo-libong Pilipinong nagtatrabaho sa abroad na apektado ng COVID-19 pandemic na makauwi sa Pilipinas.
Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 75TH United Nations General Assembly.
Sa kaniyang mensahe, aabot na sa 345,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang kailangang maiuwi sa bansa sa ilalim ng repatriation program at halos kalahati sa mga ito ang nakauwi na.
Paniniguro ng Pangulo na i-uuwi niya ang natitirang kalahati pa.
Pinuri rin ni Pangulong Duterte ang katatagan ng Filipino migrant workers sa gitna ng pandemya.
Nagpasalamat ang Pangulo sa tulong ng ibang bansa para sa repatriation program.
“We thank the countries that have provided Filipino migrants with residence permits, access to testing, treatment and related health services in this pandemic,” sabi ni Pangulong Duterte.