Nangangailangan ang Jordan ng libo-libong Filipino skilled workers para sa pagpapalakas ng kanilang ekonomiya.
Ayon kay Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos, tiniyak sa kanya ni Jordanian Ministry of Labor Secretary General Farouq Al-Hadidi na magbibigay ang Jordan ng Specialized Work Permit para sa mga kukuning Pinoy skilled workers.
Ito ay para mabilis na mapupunan ang labor demand ng iba-ibang industriya ng kanilang bansa.
Kinumpirma rin ni Santos na bukod dito, kukuha rin ang Jordan ng karagdagang 43,000 na manggagawang Pilipino sa mga susunod na taon.
Sa ngayon, 95% ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Jordan ay nagtratrabaho sa household service sector.
Inaasahang magbabago ang labor demographics kapag simulan nang ibigay ang Specialized Work Permit sa Pinoy workers na magtatrabaho sa Jordan.