Ipinamahagi ng Municipal Agriculture Office ng Bayambang ang libo-libong sako ng soil conditioner o soil ameliorant na makakatulong sa mga magsasaka sa bayan.
Ito ay matagumpay na isinagawa sa Municipal Warehouse sa Brgy. Telbang na may kabuuang 2, 424 packs na soil conditioner kung saan 720 packs ng Biozome, 1,019 packs ng Humi (K), at 685 packs ng Xplorer Glory.
Ayon sa Municipal Agriculture Office, ang naturang ipinamigay na supplemental o tulong sa mga benepisyaryo sa bayan ay kanilang paghahati-hatian.
Ang mga benepisyaryo rito ay mga rice farmers na hindi nakatanggap ng fertilizer voucher noong nakaraang Wet Season 2022.
Nagpapasalamat naman ang mga recipient nito dahil nabigyan sila ng ganitong tulong na makakatulong din sa kanilang mga hanapbuhay. |ifmnews
Facebook Comments