
Naghahanap ka ba ng bagong trabaho?
Huwag mong palagpasin ang Mega Job Fair na handog ng Pamahalaang Lungsod Ng Makati sa pamamagitan ng kanilang Public Employment Service Office (PESO).
Gaganapin ito bukas, October 23, 2025 sa Ayala Malls Circuit, Activity Center, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Kabuuang 54 local and overseas employers ang kumpirmadong lalahok sa job fair.
Mahigit 5,000 lokal na trabaho ang pwedeng applyan at halos 1,000 overseas jobs kabilang sa mga bansang United Arab Emirates, Qatar, Kuwait, Japan at Australia.
Bukod sa job opportunities, mayroon ding one-stop-shop services mula sa mga government agencies katulad ng SSS, PAG-IBIG fund, PhilHealth, DOLE, OWWA, DMW at TESDA.
Para sa mga aplikanteng walang dala o kakayahang mag-print, may libreng printing ng resume sa venue.
Kaya kung naghahanap ka ng trabaho nano pa ang hinihintay ninyo, apply na!
Ang DZXL News ay ang official radio partner ng Makati City PESO.









