Manila, Philippines – Libo-libong empleyado ng mga Business Process Outsourcing (BPO) Companies sa bansa ang nangangambang mawalan ng trabaho.
Oras daw kasi na lumusot ang panukalang mas mataas na buwis sa mga bpo, Posible kasing lumipat ang mga ito sa ibang bansa na hindi kataasan ang tax package.
Pero tiwala si Finance Undersecretary Antonette Tiokno na mananatili ang mga call center companies sa bansa.
Naniniwala raw kasi silang hindi bibitawan ng mga BPO, lalo na ang mga call center companies, ang mga empleyadong pinoy dahil sa galing ng mga ito sa ingles.
Facebook Comments