Santa Maria, Isabela- Matagumpay na naidaos ang isang medical at dental mission, disaster response training, gift giving at libreng eye check-up sa bayan ng Santa Maria, Isabela.
Ang naturang aktibidad na binansagang All-In-One-Bayanihan na pinagtulungang isagawa ng 86th Infantry Battalion, 5ID, PA na pinamumunuan ni LTC Vladimir Cagara, Northern Luzon Command (NOLCOM) AFP, Go Share Foundation, International Disaster Response Network at Local Government Unit (LGU) ng Sta Maria, Isabela na pinamumunuan ni Mayor Hilario Pagauitan.
Ang aktibidad na minanmanan ng RMN Cauayan News Team ay ginanap mula noong Setyembre 15 hanggang 17, 2017 sa poblacion ng naturang bayan.
Sa kabuuan ay mayroon silang naasikasong pasyente na umaabot sa 1, 286 at marami pang nakinabang sa iba pang serbisyo at pagsasanay sa naturang All-In-One-Bayanihan.
Malaki naman ang pasalamat ni Mayor Pagauitan sa naturang aktibidad na matagumpay na naisagawa sa kanyang bayan.