Naniniwala ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na malaking maitutulong sa mga Person of Deprived of Liberty (PDL) ang pagbabasa ng mga makabuluhang babasahin.
Ang pahayag ay ginawa ni BJMP Chief Director Allan Iral matapos na pasinayaan ang paglalagay ng Library sa mga Bilangguan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga inmates na lumawak pa ang kanilang mga kaalaman.
Ayon kay Iral na base sa Nelson Mandela Rules ay kinakailangan papayagan ang mga PDL ang kanilang karapatan na magbasa ng mga makabuluhang mga materyal upang magkaroon ng kaalaman.
Paliwanag ni Iral na napakahalaga ang pagbabasa ng mga makabuluhang babasahin o at aklat dahil ito ang pundasyon ng karunungan.
Giit ng opisyal na mahalaga ang magbasa tungo sa paglaya mula sa pagkabilanggo ng kamangmangan.