Kasabay ng paggunita sa All Saints Day at All Souls Day, muling inihain ng Makabayan Bloc ang House Bill 5753 o Free and Discounted Funeral Services Bill.
Ayon kay House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, layunin ng panukala na matulungan ang mga mahihirap sa pagpapalibing ng yumaong mahal sa buhay.
Ipinunto ni Castro na ang hirap na ngang mabuhay kaya sana ay hindi na maging mahirap at magastos kapag namatayan.
Kapag naisabatas, kabilang sa makikinabang sa panukala ang mahihirap na pamilya o yaong ang sweldo ay mas mababa sa itinakdang poverty threshold ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Sa ilalim ng panukala, ang libre o kaya ay 50 percent discount na pagpapalibing ay ipagkakaloob sa isang miyembro ng mahirap na pamilya sa loob ng isang buwan.