Iginiit ng Trade Union Congress of the Philippines sa gobyerno na magpamahagi ng libre at standard face masks sa mga mahihirap sa mga lugar na high risk sa virus exposure.
Ayon kay TUCP Party-list Rep. Raymond Mendoza, sa ganitong protracted phenomenon, hindi lahat ay may kakayahang mapasakamay ang face mask na halos nagkakaubusan na.
Ani Mendoza, responsibilidad ng Department of Health na magpahagi ng face mask sa lokasyon na natukoy ng surveillance team na pinuntahan ng pasyenteng nagpositibo sa corona virus.
Dagdag ni Mendoza, Karamihan sa face mask na napapasakamay ng mahihirap ay hindi standard o madaling madumihan at tagusan ng virus.
Kung mabibigyan aniya ng libreng face mask ang mga kapuspalad ay hindi na kailangang mabawasan ang kanilang kakarampot na pera na ipinambibili ng life saving face mask