Manila, Philippines – Ibinida ng Palasyo ng Malacañang na libreng makauuwi sa bansa ang 150 Undocumented OFW mula sa Kuwait.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ito ang ilan lamang sa resulta ng kanilang pakikipagpulong sa Kuwaiti Ministry of Interior.
Sinabi ni Roque na 80 sa 150 ang mauunanang umuwi sa Darating na sabado ng hapon at susunod naman ang iba pa.
Magkakaroon din aniya ng Welcome Ceremony sa Terminal 2 ang mga uuwing OFW at sila mismo ang sasalubong sa mga ito para kausapin at alamin ang kanilang mga naging karanasan sa nasabing bansa.
sinabi ni Roque na malaki ang ambag ni special Envoy to Kuwait Abdullah Mamao sa naging desisyon ng Kuwaiti Government na payagang makauwi na at sagutin ang biyahe ng mga OFW dahil sa magkakasunod na pulong nito sa mga opisyal ng Kuwaiti Government.