LIBRE LANG MANGARAP | Senador De Lima, dapat manood na lang ng impeachment hearing sa kulungan – Secretary Roque

Manila, Philippines – Inihayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na libre namang mangarap si Senador Leila De Lima.

Ito ang tugon ni Roque sa harap na rin ng hirit ni De Lima sa korte na payagan ito na pansamantalang makalaya para dumalo sa inaasahang impeachment hearing sa senado para kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon sa sinabi ni Roque, mas magandang manood lamang sa telebisyon si de Lima kung mayroon itong TV sa loob ng kanyang kulungan.


Matatandaan na nakakulong si De Lima dahil sa kasong illegal drug trade.

Facebook Comments