LIBRE | Libreng sakay sa LRT line 2 para sa mga sundalo, ipatutupad

Manila, Philippines – Bilang pagbibigay pugay sa dedikasyon at kabayanihan ng mga sundalo, nagdesisyon ang pamunuan ng Light Rail Transit authority na bigyan ng libreng sakay ang mga sundalo sa LRT Line 2.

Sa memorandum of agreement na nilagdaan nina LRT-A administrator Reynaldo Berroya at Major General Ronnie Evangelista, Commander ng civil relations service ng AFP sa LRT-A depot sa Pasig, kahit hindi nakauniporme ang sundalo at sasakay sa LRT Line 2 ay libre ipapakita lang ang ID.

Sinabi ni Berroya na ginawa ang aksyon bilang pagkilala sa naging kontribusyon, dedikasyon at kabayanihan ng mga sundalo lalo na sa Marawi.


Sinabi ni MGEN Evangelista na malaking karangalan para sa mga sundalo ang pagpapakita ng suporta sa kanila ng ibat ibang sektor.

Matatandaan una nang binigyan ng libreng sakay ng LRT Line 2 ang mga pulis bilang bahagi ng pagpapaigting ng seguridad sa nasabing pasilidad.

Facebook Comments