LIBRE | LRT 1, may pa-libreng sakay sa Bagong Taon

Manila, Philippines – Magbibigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit (LRT) line 1 para sa mga pasahero nito sa Bagong Taon, January 1.

Sa inilabas na abiso ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) – epektibo ang libreng sakay mula alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

Para sa mga beep tm stored value card holder, maaari nila itong gamitin pero hindi mababawasan ang load ng kanilang beep card.


Habang bibigyan naman ng card na may zero fare amount ang mga gumagamit lang ng single journey ticket.

Samantala, naka-full service mode naman ang mga ticket vending machine ng LRT sa nasabing petsa pero hindi maiko-konsiderang libre ang ticket ng sinumang gagamit nito.

Facebook Comments