LIBRE! | LRTA – magbibigay ng libreng medical services bukas

Manila, Philippines – Magbibigay ng libreng medical services ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa mga pasahero nito bukas, July 12.

Ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-38 anibersaryo ng LRTA.

Isasagawa ang medical services sa LRT line 2 Cubao Station mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.


Kabilang sa mga ipagkakaloob na medical services ng LRTA ang:

– Bone scanning
– Hemoglobin determination
– Blood pressure reading at;
– Sugar testing

Facebook Comments