LIBRE | MRT at LRT, may alok na free ride bukas

Manila, Philippines – May alok na libreng sakay ang MRT at LRT bukas, June 12.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Independence Day.

Sa abiso ng MRT-3, ang free ride ay mula alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.


Sa parehong mga oras din magbibigay ng libreng sakay ang LRT-1 na biyaheng Baclaran to Roosevelt at vice versa gayundin ang LRT-2 na biyaheng Santolan to Recto at pabalik.

Facebook Comments