LIBRE | MRT, may pa-libreng sakay ngayong araw!

Manila, Philippines – MRT, may libreng sakay ngayong araw.

Magbibigay ngayong araw ng libreng sakay ang MRT-3 bilang paggunita sa Rizal Day.

Ayon kay MRT-3 Media Relations Officer Aly Narvaez, maaaring makalibre ng sakay mula alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at mula alas 5:00 hanggang alas 7:00 ng gabi.


Samantala, may libreng sakay rin ang LRT line 1 sa Enero 1, araw ng Lunes bilang pagdiriwang sa pagpasok ng Bagong Taon.

Epektibo ang libreng sakay mula alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at mula alas 5:00 hanggang alas 7:00 ng gabi.

Maaaring gamitin ng pasahero ang kaniyang beep card pero hindi mababawasan ang load nito.

Bibigyan naman ng card na may zero fare amount ang mga gumagamit lang ng single journey ticket.

Facebook Comments