LIBRE | PLDT, ibinalik na sa gobyerno ang nabili nitong telco frequency

Manila, Philippines – Ibinalik na sa gobyerno ni Philippine Long Distance Telephone Company President Manny Pangilinan ang Connectivity Unlimited Resource Entrerprise (CURE) frequencies na kaniyang nabili may ilang taon na ang nakararaan.

Ginawa ni Pangilinan ang hakbang matapos magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga humaharang sa pagpasok ng bagong telecompany sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Information and Communications Technology OIC Sec. Eliseo Rio, ibabalik ni Pangilinan ang CURE ng walang bayad.


Aniya, kailangang kasing mabigyan ng slots para sa LTE at 3g connectivity ang 3rd telco player na papasok sa bansa.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa kooperasyon na ibinigay ni Pangilinan.

Facebook Comments