Liberal Party, inilabas ang unang limang posibleng kakandidato para sa pagkasenador

Inilabas na ng Liberal Party ang unang limang pangalan ng posibleng tumakbo sa pagkasenador sa 2022 elections.

Sa naganap na first chapter general assembly, sinabi ni Former Ifugao Representative at Party Vice President for Internal Affairs Teddy Baguilat na tatlo sa limang pangalan ay re-electionists o muing tatakbo sa election.

Ito ay sina Senator Francis Pangilinan na siya ring Liberal Party President, Senator Leila De Lima at dating kaalyado na si Senator Risa Hontiveros.


Nagpahayag din ng pagnanais na maging bahagi ng senate slate ng LP sina dating Senador Bam Aquino at Chel Diokno.

Facebook Comments