Libreng 50GB shareable internet, handog ng Globe at Home Prepaid WiFi sa madiskarteng Pinoy!

Sulit na sulit ang bagong handog ng Globe At Home Prepaid WiFi para sa pamilyang Pilipino na naghahanap ng maasahan at abot-kayang internet connection.

Pwedeng magsalo-salo ang pamilya sa connectivity gamit ang FamSURF. Kayang-kaya nito ang hanggang tatlong devices at maaari pang gamitin sa loob at labas ng bahay.

Sa bawat Globe At Home Prepaid WiFi na mabibili sa halagang P999, malaking pakinabang sa madiskarteng Pinoy ang libreng 50GB shareable connection. Sakto itong partner ng FamSURF199 na mayroon namang 23GB shareable data at 7GB na free data para sa streaming, chat, learning at earning apps.


Dagdag pa rito, maaaring ma-experience ng mga customer ang mga reward at exclusive discounts kapag nirehistro nila ang bagong Home Prepaid WiFi SIM gamit ang GlobeOne app.

“Para sa convenient, sulit at shareable connectivity, inihahandog ng Globe sa pamilyang Pilipino ang FamSURF, kung saan maaaring i-share ang connection gamit ang inyong Home Prepaid WiFi device. With FamSURF na #LoadedSaLove, pwedeng i-share ni Mommy ang connectivity kay Daddy kapag work from home siya, o kay Ate at Kuya kung kailangan ng online research for school,” sabi ni Raymond Policarpio, Vice President ng Globe At Home Broadband Business.

Ang Globe At Home Prepaid WiFi ay pinalakas pa ng ulta-fast LTE para sa tuloy-tuloy na kasiyahan. Gamit ang ano mang FamSURF promo, tiyak na enjoy ang bawat miyembro ng pamilya sa maaasahang connection para sa games, streaming at surfing kahit nasaang sulok pa sila ng bansa.

“Internet is life na talaga ngayon para sa madiskarteng Pinoy. Lahat ng pagsisikap na ginagawa nila ay para sa pamilya kaya naman suportado sila ng Globe at Home sa pagbibigay ng mabilis at maaasahang internet connection na hindi masakit sa bulsa,” dagdag pa ni Policarpio.

Gayundin, ipinaalala ni Policarpio na kailangang irehistro ang mga Globe At Home Prepaid WiFi SIM sa ilalim ng SIM Card Registration Act. Sa Abril 26, 2023 na ang deadline kaya iparehistro na ang inyong mga SIM. Maaaring magrehistro gamit ang GlobeOne app sa http://glbe.co/GLBOne.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://glbe.co/HPW.

Facebook Comments