Binigyan ng libreng abono ang mga inbreed rice farmers sa Sison Public Market noong Oktubre 2.
Mga rehistradong magsasaka ang nakinabang sa programa ng lokal na pamahalaan ng Sison.
Noong Huwebes, naka-iskedyul ang mga barangay ng Amagbagan, Tara-tara, Camangaan, Poblacion Sur, Poblacion Norte at Poblacion Central sa pagkuha ng abono.
Pinangunahan ng alkalde ng lungsod ang pamamahagi ng abono pati na rin ang social pension ng mga senior citizen.
Samantala, may libreng abono ding matatanggap ang mga hybrid farmers sa lugar.
Facebook Comments









